Stories

Hangin

“Sorry.”

Ako’y napangiti kahit na nakaramdam ako ng sakit ng marinig ko ang mga salitang binitawan mo.

“Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi kaya ko,” sinabi mo ng para bang balewala lang sa’yo ang mga nangyari. Ika’y ngumiti at sinabi ang dalawang salita na babasag sa puso ko, “Hindi pala.”

“Okay lang,” sabi ko habang patalikod. Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mata at ngumiti, “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala. Okay tayo, okay ako.”

Hinawakan mo ang ang aking kamay at pinisil ito. Humingi ka ulit ng patawad bago binitiwan ang aking kamay at naglakad papalayo.

Hindi ko inaasahan na sa pag-tulo ng aking mga luha ay kasabay nang pag-buhos ng ulan. Ang galing, diba? Akala ko sa mga telenovela mo lamang ito makikita. Akala ko na ang ganitong klaseng pag-ibig ay pang pelikula lamang. Pero sabi nga nila, mag-ingat sa maling akala.  Mali nanaman ako, mali para sa’yo.

Alin nga ba ang mas masakit? Yung alam ko na niloloko mo lang ako? O yung umasa na baka sakaling maloko at mapaniwala mo ang sarili mo na mahal mo rin pala ako? Grabe din pala no? Nakakatawang isipin na napakadali lang para sayong itapon ang lahat. Napakadaling kalimutan ang mga pangako mo, ang mga pangarap natin… napakadaling kalimutan ako.

Akala ko okay lang… mali nanaman pa ako. Hindi pala. Hindi ito isang palabas na makikita mo sa TV, ito’y totoong buhay kung saan hindi ka na babalik, hindi mo pag-sisisihan, at kailanman ay hindi tayo magkakatuluyan. At kagaya ng pangako mo na walang hanggan, ito na ang katapusan.

Hindi man ako okay ngayon, alam kong makakaya ko ‘to. Dahil ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa’yo. Ang malamig na hangin ay tila ba bumabalot at tumatagos sa aking katawan. Pero okay lang, dahil kasabay ng malamig na hangin ang unti-unting pag-yelo ng aking puso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s